WHY RUN AS SENATOR?
Public Servant of more than 27 years
Former Commission on Audit commissioner Heidi Mendoza is running for senator, saying her track record of fighting corruption for nearly three decades is proof she has the credentials to be part of the upper chamber.
WHY RUN AS SENATOR?
Transcript from the filing of the Certificate of Candidacy on October 8, 2025
Marami na pong nagsabing lalabanan ang katiwalian.
Marami na ring nagsabi na minahamal ang bayan.
Heto po ako, dalawangpu’t pitong taon ang kasaysayan ng pakikipaglaban ko sa katiwalian.
Kayo po ang saksi. Ilang ulit po akong nalagay sa headline. Hindi lamang po ito pagsasalita. Ito po’y pagtayo. Ito ay pagtindig sa aking pinaniniwalaan at ipinaglalaban.
Noong bumalik po ako sa New York noong 2018. Nag isip po ako ng paraan kung paano patuloy na mag aambag.
Nandoon pong nandun nagpaint ako, binenta ko ung painting ko. Pambili ng laptop para sa mga batang walang laptop.
Nandoong nagpresinta akong magturo. Subalit naisip ko po ang lahat ng ito. Ang lahat ng ating pinagkakapaguran para sa kinabukasan ng ating mamamayan.
Iisa lamang ang tugon.
Labanan ang katiwalian.
At ako sa buong buhay ko, hindi lamang lumaban, tumaya at muntikan ng magbuwis ng buhay.
Ang lahat ay inaalay ko sa maykapal. Siya na po ang bahala, dahil alam ko po mahirap itong ating laban.
Sandra Aguinaldo (GMA 7): Ano po ung gusto ninyong baguhin sa budget process and practices na nakikita ninyo ngayon sa national budget kung kayo po ay papalarin na maupo sa kongreso.
Heidi Mendoza: Ang una ko pong gagawin, heto po ay personal at pinilit ko na pong simulan noong nakaraang taon pa “Alamin po at ituro ang tamang proseso sa taumbayan kasi ito po ay pera ng bayan”.
Sa pamamagitan po nito, bigyang diin ang mga sensitibong proseso ng budget. Kung saan wala pong impormasyon, walang transparency. Gaya ho ng budget ngayon nakita natin, ung sinumite po ng Presidente ay malayong malayo na po sa amount na naaprubahan at naging GAA.
Pero wala ho tayong marinig sa mamamayan, bakit po, malalaman lamang ang mga impormasyong ito kung maglaban laban sila sa kongreso or sa senado. Kaya ho ako ay nangangahas, kumakatok sa inyo para maituloy ko po iyong pagsasalita, pagtuturo ng budget information, pagiging transparent, at pagbibigay ng lakas loob sa mamamayan. Ito po ang pagkakataon na tumaya tayo. Pera ng bayan yan. Labanan natin ang katiwalian. Bigyan natin ng tuldok ang pork barrel funds.